350 - Ang Pag-asa Ko'y Natatag

Ang pag-asa ko'y natatag
Sa kabanalan at hirap,
Ng ngalang Jesus na tanyag
Higit sa larawang lahat.

REFRAIN

Si Kristo'y batong matibay
Na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan!

Maging alon mang masasal
Ng bagyo'y di ma-ibub'wal
Ang pag-asa sa biyayang
Aking pinanghahawakan.

REFRAIN

Si Kristo'y batong matibay
Na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan!

Sa pangakong sinalita
At sa dugong masagana
Ni Kristo na mapagpala
Lubos ang aking tiwala.

REFRAIN

Si Kristo'y batong matibay
Na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan!

Siya kung dito'y dumatal
Ako'y bibihisang tunay
Ng Kaniyang kabanala't
Matitindig sa hukuman.

REFRAIN

Si Kristo'y batong matibay
Na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan!

0:00 0:00